ONLINE SELLER TO SARI SARI STORE OWNER

“Help the people in your network. And let them help you.”
– Reid Hoffman

Isa akong Pizza house cashier sa dubai. I needed to go back to Philippines since my company already knows that I was 4 months pregnant.

It was October 2017 when I started my online buy & sell business. Dahil nasanay akong laging my trabaho naghanap ako ng mga supplier sa mga facebook groups and follow yung mga supplier pages. Kumuha ako ng mga photos sa mga suppliers and then ako na nagmamark up ng tubo ko, post ko sa facebook and tags some of my facebook friends, from 1 buyer to 2 buyers na nagtiwala sakin, itinuloy ko. Nagsimula ako sa mga as seen on tv items, housware at mga durabox. Nag ooffer ako ng free delivery pero payments first sa mga suki na buyer ko, Ako na din mismo nagdedeliver kahit malaki na yung tiyan ko.

Sabi nila bakit pa daw ba ako nagtitiaga magbenta benta ng kung ano ano sa facebook eh ofw naman daw partner ko, yung iba nga sinasabi nilang ginawa ko na daw TINDIHAN ang facebook account ko hehe. Deadma lang ako tuloy parin ang benta.

Hanggang sa may mga nagrereseller na saakin studante, yung kapatid ko, yung tita ko na until now reseller ko parin. Ang mga reseller malaki ang tulong sa mga supplier dahil sa kanila sa mga paorder nila parehas kayong kikita. Resellers my come and go din, pero tuloy parin ang business.

It was November 29,2019 when I opened my sari sari store. 1 year mahigit din na ipinagawa ko halos 90K nagasto ko sa pagpapatayo lang bale 2 rooms for stocks and for display. Pero before that nagkautang muna ako ng mahigit 22K dahil kinulang sa budget pampagawa at yun yung binabayaran ko nga halos 3 months na kita ko sa pagbubuy and sell tatlo na tao yung dalawa 10% interest, yung isa 5% interest. Naiiyak na ako nun dahil wala na ako tinutubo lahat napupunta na sa utang, hindi kuna alam gagawin ko. Onetime, nag ask ako sa isang group page ng tips kung papano ko kaya mabayaran agad yung utang na 22K plus the interest, and i am so thankful to this support group #tipidliving sinunod ko payo nila, PAY all my debt first bago magproceed sa ibang bagay like savings and life insurance. My goal before mag new year 2018 dapat wala na akong utang at hinding hindi na ako uutang and thanks GOD answered prayer! Ang laki ng kinita ko november to december 2018 halos 20,000 plus ang tubo ko sa mga made to orders na sofa and furnitures at mga houseware at iba dun ipinambayad utang.

November 2019 nag open na ako ng sari sari store ko from 2,500 na capital only? Yes 2,500 lang talaga at daily basic needs lang muna at 1 case na litro coke.

November 2019, from 2,500 na capital
May 27, 2020
“The only way to do great work is to love what you do.” ― Steve Jobs

The biggest why kung bakit nagpursige ako ay dahil ayaw kung iiwan ang anak ko dito sa pilipinas para lang mag abroad dahil yun ang alam ng nakakarami. MAG ABROAD ka nalang graduate ka naman diba, gamitin mo mas malaki ang kita duon, pero as a mom gagawin natin lahat para sa anak natin. Isa na po akong single mom dahil iniwan at ipinagpalit kami ng ex live in partner ko na ofw, but see? I’m not affected kasi I have my own business. Big help ito sa current situation now dito nalang kami umaasa ngayon at sa pag bubuy and sell ko online and offline 🙂

Single mompreneur

Clariza G.

ONLINE SELLING is the NEW NORMAL after this covid19 pandemic:

How to Start Selling Online Professionally:

Click here https://www.salehoo.com/education/starting-online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: