Subok, Makaya, Game.

Hindi ko alam paano sisimulan itong blog na ito. Ang nasa isip ko lang ngayon, ay kung paano ko maipapasa ang bawat activity sa ating General VA Course by FHMOMS. Hehe. Nagta-type ako kung ano ang pumapasok sa isip ko with hopes that thoughts and ideas will somehow start flowing. Siguro, umpisahan ko sa pag-explain kung bakit ganon yung title ng entry ko. Ehem. Okay. Here goes nothing.

Ako si Nika mabuting may bahay ni Mike (naks, nagbuhat ng sariling bangko). May dalawa kaming anak, parehong lalaki. Sa kasamaang palad, we had to endure the pain of losing a child. I was 36 weeks pregnant with Kuya Kaleb nung mag-early labor ako tapos everything went south from there. Kala ko sa mga teledrama lang nasasabi ang mga salitang, “Hindi totoo to, panaginip lang to. Di ba? Sabihin nyo nananaginip ako.” Kaso totoo eh, namatayan kami ng anak. Hindi sya masamang biro kungdi mapait na reality that we have to live through for as long as we are breathing. Walang mas sasakit pa don, you’ll never get over it but you’ll learn to live with it. Pero mabait ang Diyos, kinalooban nya kami ng isa pang anak sa katauhan ni Blake. Blake is an anagram of Kaleb. To honor our panganay and remind our bunso that he has a kuya, we decided to give him that meaningful name.

from left: Kuya KALEB and Bunsoy BLAKE

God sent Blake to save my husband and I from misery. Natuto ulit kami ngumiti ng asawa ko. Yung mga gabing napupuyat kami sa pag-iyak sa pangungulila sa aming panganay, naging puyat for all the right reasons when Blake was born. Blake brought us back to life.

Fast forward, turning 6 na si Blake ngayong taon. At dinala kami ni 2019 sa dayuhang bansa upang dito makipagsapalaran. When my husband was offered to work overseas, I was thankful but hesitant. He was offered a visa which allows his wife and kid to go with him. Sa puso at isip ng asawa ko, gusto nya na kami ay sama-sama. Ako naman ang nasa practical side. Nanghihinayang ako sa pwede nyang kitain kung ako at ang anak namin ay mag stay sa Pilipinas. Makapag-pagawa ng sariling bahay na mapapamana namin sa aming anak, negosyo at investments. Madami akong what-if’s at dahil paranoid ako nahirapan ako mag desisyon.

Pero sa haba man ng diskusyon, nangibabaw ang responsibilidad ko bilang asawa na suportahan ang haligi ng aming tahanan. Dito na pumapasok si SUBOK. Sabi nga, pag nahihirapan kayo magkasundo sa isang bagay, you should compromise. He jumps, I jump ang peg namin. “Give it a year”, sabi nya. So, yun na nga ang nangyare. We are here. Singapura, The Lion City, kung saan lahat mahal. Haha. And sa ngayon, we are letting life run its course.

Who said it will be easy? Nobody. As I am typing this so-called blog, may mga bagay na hindi kami certain. Ang lagi lang naming dasal, “Lord, sana po MAKAYA namin. Tulungan nyo po kami.” Maraming nag-aakala na kapag kayo’y nasa ibang bansa, you’re abundant in everything. Kasi $$$ nga naman ang kinikita. Wrong. Bakit? Sky-high rent, sky-high tuition at syempre dollars ang pambayad, duh. Ang bonus lang talaga namin dito sa pinili naming landas ay togetherness. Sabi nga ng 5-year old son namin, “Family should be together.” Ang pera ay kikitain, ang mahalaga buo kayo. Yan ang paulit-ulit ko pine-play sa utak ko kapag dumarating ang oras na kinunkwestyon ko ang desisyon namin.

So, heto kami. Nasa adjustment period pa din. Minsan, naa-outnumber ng bad days ang good days. But, this is our GAME for now. We’ll never know what’s ahead. Magtagumpay o matalo man kami, at least sinuong namin nang hawak-kamay. We may feel down at times pero we make it a point to celebrate little victories in between. Ika nga, “Laban lang.” At syempre, tawag lang nang tawag sa Diyos. Libre manalangin. Dito ko narealize kung gaano kabigat ang famous line ng Lilo and Stitch. “Family means nobody gets left behind.”

Unika Hubbard ~ Oct, 2019

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: