Fur babies

Tayong mga Filipino ay likas na mapagmahal sa mga hayop, lalo na sa mga aso. Sila ang tinatawag nating “Mans best friend”. They are very loyal to their master. They give joy, companionship and unconditional love. Nandiyan yung sasalubungin ka nila pag dating mo from school or work. They would really wait for you and would wag their tail when they see you. Always excited as they say! Nasa gate ka pa nga lang alam na nila na nandyaan ka na dahil sa katangian nilang malakas ang pang amoy nila. Nariyan din yung gusto nila katabi mo sila palagi kahit nga yung tipong nanonood ka lang ng tv gusto nila nakapwesto rin sa tabi mo, ang sweet lang di ba? Sometimes naman they would rest on your lap.

May traits din naman sila na nakakainis. Nariyan yung ngatngatin nila yung mga paanan ng mga upuan hanggang sa mapudpud ito. May nakita nga ako minsan sa isang face book post, nagmukha na raw high heels yung paaanan ng kanilang dining set. O di ba, may talent pala silang mang ukit sa kahoy hehehe. Madalas din sila ngumatngat ng mga tsenelas . Yung mga tsenelas namin sa labas ng bahay kung saan-saan na naka pwesto. Hahanapin mo pa ang kabilang pares ng tsenelas bago mo masuot. Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang tsenelas na ba ang naitapon ko dahil sa nasira na nila ang mga ito.

We have also responsibilities bilang pet owners. Aside from taking them to the vet for vaccination, we have to feed them as well. At masakit rin sa bulsa especially kung meron silang diet na tinatawag. Choosy pa minsan sa food. Aminin nating mga fur parents dyan, minsan mas masarap pa ang pagkain nila kaysa sa atin. Maliban sa dog food na pinapakain may pa-atay ng manok at saw dust pa tayo sa kanila. And of course water-kaylangan lagi silang hydrated, parang tao din sila eh. Syempre pinapaliguan din natin sila. At isa pang take note…mas mahal pa ang price na gamit nilang dog shampoo kaysa sa ginagamit natin. Ang gastos di ba? Aside from these, we, pet owners need to walk them as one of their outdoor activity. A leash should be used for safety reason.

Bakit nga pala tayo nag alaga ng aso?? Ah para nga pala may bantay sa bahay. Para kapag umalis tayo may maiiwan sa bahay and chances are, iwas akyat-bahay na rin o pasukin ng masasamang tao ang bahay natin. Pero bakit ganun? Habang tumatagal parang baliktad na ang nangyayari. Minsan hindi na ako makalabas ng bahay ng matagal-tagal kasi dahilan ko walang magbabantay sa kanila. Iniisip ko kaylangan ko makabalik baka nagugutom na sila. Kapag nga may nagyayaya sa akin ng out of town ng ilang araw di ako makasama eh. Kasi naiisip ko sino magpapakain sa kanila. Kawawa naman sila ilang araw silang walang kain pag nagkataon. Above all else, dogs deserve gentle handling and abundance of our time and attention.

Kaya eto, stay at home mom na lang ako. Pero sisikapin ko na matapos ko ang lahat ng mga activity na bibigay as a VA at mai-apply in the future jobs para naman kahit papano ay maging WAHM naman ako.

Mary Ann S. Gonzalo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: